top of page
Search

Permesso di Soggiorno a lungo termine, paano makukuha ito?

IMPORTANTENG sikapin nating makakuha ng Permesso di soggiorno a lungo periodo (o kilala bilang Carta di Soggiorno), bakit? ✔️ wala itong expiration, kailangan lamang i-update every 5 years para sa mga maaaring pagbabagong naganap sa loob ng limang taon ✔️ maraming benefits na naka depende dito para sa approval tulad ng Reddito di Cittadinanza, Bonus Mamma, Bonus Bebé, Carta Acquisti at iba pa ✔️ Isa ito sa mga katibayan na stable ang ating status sa Italya


Kung ating mapapansin, maraming mga benefits na ang binago ang requirements na dati'y sapat na ang Permesso di Soggiorno normale para makuha ito pero ngayon ay nilimitahan na lamang para sa mga may Permesso di Soggiorno a lungo periodo.Ano nga ba mga ang requirements para makuha ito?

- atleast 5 years residence sa Italya - contratto di lavoro indeterminato (mas maigi kung ito ay atleast 2 taon nang active) - sapat na kita ng at least 2 taon: *Kung walang nka-carico na kapamilya, atleast ay may 5.900 euros na kita kada taon. *Sa bawat carico na pamilya ay kailangang may karagdagang 3.000 euros sa kita - idoneita' alloggiativa ng bahay na tinitirahan - esame superato Test Italiano livello A2


Para sa assistance, maaaring kumuha ng appointment sa aming mga offices through: CAF Patronato Hotline Number: 389 7653048 Available Monday to Friday, 9.30-13.00 14.00-18.00; Saturday 9.30-13.00 14.00-17.00 or Email: caf.raccolta@biyahero.it BiyaHero

Ticketing - Tours - CAF Patronato - Money Remittance


"There is a BiyaHero in you!"


© 2020 Biyahero Travel and Tours snc All Rights Reserved


 
 
 

Comments


+39 366 509 8458

Via Padova 2, 20127 Milano

©2020 by Biyahero CAF Patronato

bottom of page